vicious

vicious
vicioux

Saturday, September 3

For those who has haters




bakit sa buhay ng tao dapat maexperience yung tipong may mga taong ayaw sa ugali mo??
sa una parang masakit mahirap tanggapin...
pero yun ang reality e. ika nga nila na "you can't please everybody" kasi nga may mga sarili silang opinyon desisyon at pananaw na hindi umaakma sa mga opinyon , desisyon at pananaw mo.
wala ka namang magagawa kundi "love your imperfections" kahit marami kang nagagawang mali at ikinasasama ng loob ng ibang tao pero sa imperfections nayon dun mo makikita yung mga taong makikinig at tatanggap sayo.
---
normal lang naman ang makagawa ng kasalanan
normal lang din naman ang magkamali
at di normal ang magpakatotoo ngayon sa tao
minsan kailangan pang maging humble para lang masabi mong pinapakisamahan mo ang isang tao
kasi ang mentality natin yung wala silang masabing masama tungkol satin
pero minsan dapat nagiging totoo din tayo
wag tayo magtago sa dilim ng pagpapanggap
kasi malalaman mo sa pagsabi mo ng mga bagay na mababaw pero totoo
yung mga taong mababa ang pang-unawa at sadyang di mo na dapat ipagkasiksikan ang sarili mo
kahit gaano kayo kaclose at kaganda ang samahan nyo sa simula
dadaan at dadaan kayo sa point na may problema
dun mo makikita kung talagang worth it ang isang tao.
---
maraming may sama ng loob sakin kaya ko naisusulat ito..pinapakita ko lang naman ang opinyon ko at saloobin ko sa kanila pero hindi nila makuha ang nais kong iparating.
kalungkot man pero ganun talaga e..tanggapin nalang natin kesa problemahin natin
hindi naman tayo magkakapera sa kanila at hindi naman tayo papasa sa examinations kung mabobother tayo sa kanila..
i-give up mo sila at hayaan mong sila ang makaramdam ng pagkawala mo.
wag mong hayaang tapakan ka nila
wag mong hanyaang magpalamon ka sa sindak ng mga taong hindi ka kayang intindihin!
wag mong palampasin ang pagkakataon na ipamukha mo sa kanila na wala kang pakialam sa nararamdaman nila dahil kung sila nga natiis kang hindi igalang bilang ikaw at sa sarili mong pananaw
dapat ikaw din..
---
may solusyon naman ang lahat
palamigin mo lang ang issue
lumayo at dumistansya ka muna
dahil alam ko na
pinoproblema mo palang si God may solusyon na.
---
wag ka mawalan ng pagasa :))




--Jayem