vicious

vicious
vicioux

Sunday, January 8

This I Promise You!

eto si PAULINE


the first time i met PAULINE nung sa philippine history namin first day of class ang totoo inakala ko sya na sila nung bestfriend nya na si KACE kaya nagkamali ako hindi naman pala sila . kaya di ko sinabi na crush ko siya naituon ko sa iba yung attention ko kay LOVELY . pero sa twing nakikita ko si PAULINE napapangiti ako . since di naman kame close kaya nahihiya ako lumapit sa kanya .

dumating sa buhay ko nung napilit ako na sumali sa singing idol di ko sya napansin kasi sa kaba na nararamdaman ko nandun pala sya. natuwa ako kasi dahil sa mga kaibigan nya na naging close ko dun sa singing idol nagkalapit kame nagkaroon kame ng time na magkatext at magkausap. kinuha ko number nya di ko alam pero magaan yung loob ko sa kanya . hanggang sa nagkagusto na ako sa kanya.

nung NOV.19.2011 inamin ko sa kanya na gusto ko sya. nung monday ng pasukan inwasan nya ko . tinext ko sya nagsosorry ako na sana pansinin na nya ako . nagdesisyon ako tinanong ko yung mga kaibigan ko kung pano kung ligawan ko sya? ano kaya ? pwede kaya? ano mangyayari? hanggang sa NOV.23.2011 nagsabi ako sa kanya na manliligaw ako sa kanya. pumayag sya at kinabukasan first time nagkausap nagkasama at naihatid ko sya . hanggang sa lumipas ang araw nagkakaroon ako ng balita na marami ang nagkakagusto sa kanya syempre ako di ko maiwasang magselos hanggang sa nasakal ko na ata sya at naging cold sya sakin . pero naiintindihan ko sya at iintindihin ko sya abot ng aking makakaya . tuwing friday nagsisimba kame sa landayan. madame ding mga taong nasa paligid namin ang naging kontra at di sanay na magkasama kame pati yung mga professor nangingialam sa buhay namin.
pero nagkaayos din naman kame.

nung DEC.16.2011 nagtext ako sa kanya na "badtrip ako" tinanong nya kung bakit "sabi ko pumasok nga ako para makasama sya pero iba naman ang kasama nya" alam ko sa sarili ko na mali yung nasabi ko kaso di ko na mabawi kasi nasabi ko na . nakita ko sya mula sa malayo nagalit at nagwalk out. di ko sinasadya sobrang kapal ng mukha ko sinaktan ko sya nang dahil sa ganung dahilan lang . alam mo bang nagsisisi talaga ako . hindi sya nagrereply sa lahat ng texts ko di nya sinasagot yung tawag ko . nung time na yun meron kaming Laban sa P.E. Volleyball . sa sobrang walang mood maglaro dahil sa nangyari natalo kame sa laro. atat ako umuwi . nung pagdating ko sa bahay nagdadalawang isip ako habang tinatawagan ko siya kung sasagutin nya o hindi. nagmakaawa ako sa kanya dahil alam kong nasaktan ko siya . nung sinagot nya yung tawag ko . Unang beses ko narinig yung boses nya di ko maintindihan pero tumulo agad yung luha ko . nadarama ko sa boses nya yung inis sakin . sinabi nya na kakausapin daw nya ko bukas. kinabukasan kinausap nya nga ako . hanggang sa umiyak ulit ako at siya lang ang unang babae na nakapagpaiyak sakin ng ganun nung narinig ko yung mga dahilan nya natameme nalang ako sa isang tabi . kasi alam ko tama lahat ng sinasabi nya at naging tamang hinala na naman ako. simula nung araw na yun nagkaayos kame bumalik sa dati yung lambing nya sakin simula nun nalaman ko na kung san ako lulugar

Christmas and New Year Seasons
nagtatawagan kaming dalawa buong bakasyon . gusto ko siya makasama kaso hindi pwede. ayaw nya na gabi na ko umuuwi kasi pagnagawa kami ng project sa humanities na subject namin tsaka umattend ako sa birthday ng friend nya na si JAM sana nga andun sya at kasama ko sya pero di sya pinayagan e. di kumpleto ang araw nya pag di ako inaaway. ganun sya maglambing , sobrang dame nyang kwento sakin. di sya nauubusan ng kwento sobrang tawa lang ang ginagawa ko pagkasama ko sya.

dumadating man yung mga problema pero alam ko malalagpasan namin yun.
gaya nalang na gusto ni mama na magshift ako ng course at ilipat ako ng school. di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya kasi ayoko mawalay sa kanya at mahirap ang long distance relationship.
pero ang sabi nya kung san naman daw ang makakabuti pero naramdaman kong nalungkot sya nun.

isa pang gumugulo sakin nung nagkagusto sa kanya yung isang professor pero sabi naman nila na baliko daw ng landas yun kaya wala daw ako ipagalala pero kasi lagi syang kinukulit at pati ako naiinis nadin . kahit nilalait nya ako di ko nalang pinapansin . dahil may tiwala ako kay pauline at alam ko naman na kahit papaano ay gusto nya rin ako.

nitong mga nakaraang araw lang tinotopak sya , kumain kame sa jollibee gusto ko syang ilibre kaso di ko magawa dahil wala akong dalang pera . nagpuregold kame nun kasama namin yung barkada nya alam ko masama yung pakiramdam nya kaya di sya masyado nakikipagkulitan , yung mga barkada nya gusto pa ko pakantahin pero since ayaw nya sya yung nasunod. :)) saming dalawa sya ang boss. kaya nga tinatawag ko yung prinsesa ko e.

gustong gusto ko sya sinesendan ng mga linya na gawa ko tuwing umaga minsan sa tanghali minsan sa gabi. isa pa sa di makukumpleto ang araw nya pag hindi yun nakakainom ng kape. nung una nawirdohan ako pero nung sinabi nya na yung nga lang ang isa sa nagpapasaya sakanya nagkaroon na din ako ng interest sa kape pero nung time na uminom ako para akong naduwal siguro di kasi ako sanay uminom nun . kaya naman sya nalang yung ginawa kong kape ng buhay ko sya nagbibigay init dito.

eto ako si JAYEM


...to be continued...