vicious

vicious
vicioux

Thursday, June 23

i wanna make you say "TAMA!"



madameng bagay ang hindi mo maipaliwanag sa mundo
at tila hanggang ngayon isang malaking tanong padin sa marami
magulo ang buhay pero masarap mabuhay
natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka nandito?
ako ilang beses ko na naitanong yan
lalo na kung may mga frustrations at problems ako
alam mo ba yung maikumpara mo yung sarili mo sa isang taong
alam mo namang hindi ka mananalo
para kang nakipag Jack'n'Poy sa harap ng salamin.
wala parin ako nakikitang sagot sa tanong ko na yon
masasabi mong masasagot mo yan kasi may dahilan ka
minsan hanggang paliwanag at salita lang ang lahat
hindi ko pa nasasagot kasi wala pa kong nararating
wala pa akong naiiaambag sa pamilya ko
dahil wala pa akong sapat na kakayahan at kaalaman kung paano ang
buhay kung wala ang mga taong nasa paligid mo

minsan ba nalulungkot ka nalang bigla?!
nadarama mo to' minsan pag magisa ka lang tas nagsasoundtrip ka?!
nakakarelate ka sa kanta
ganyan din ako madalas
pagtapos ko magsoundtrip minsan naiisip ko yung mga pagkukulang sa mga nagdaang kahapon
minsan yung pagiging heartbroken ko
minsan nadarama mong hindi ka importante.

minsan ba nadama mo na magtanggi ng isang bagay?
na kahit gusto mong sabihing OO pero hindi magawa
kasi may pumipigil saiyo.
mahirap di ba?
lalo na pagtungkol yan sa love
ako nadama ko din yan pero hindi sa love
yung tipong mababaw lang pero hindi mo din maamin indenial ka padin ika nga
gaya ng uso dati EMO?!
nung first year ako pagnagpapatugtog ka ng mga emo songs
tnatawag ka na nilang EMO
pero hindi mo magawang umamin kasi
wala naman sa itsura at pananamit mo
wala sa style mo
baka matawag kapang poseur?! di ba?

minsan ba tinamad ka sa isang bagay kahit na gusto mong gawin yun?
ako? OO
lalo na pag exams
haha! :))
tinatamad ako magreview kasi may pinagkakaabalahan ako
facebook, cellphone, at kung ano ano pa
pero napipilitan kang tumigil para magreview
tapos paghawak mo na yung rereviewhin mo
natutulala ka nalang at pabalik balik ng basa dun sa page na yon!

minsan ba gusto mo magpaload pero wala namang nagtetext?
ganyan din ako nung bago ang cellphone ko syempre gusto mo maexplore yung mga features ng phone at excited ako!
ganyan din kaya tayo sa mga bagong gamit natin
gusto agad natin gamitin
EXCITED nga kung biruan ng mga barkada!

minsan ba nasasaktan ka pero hindi mo magawang umiiyak at pinipilit mong maging masaya?
maiisip mo kaagad tungkol sa love no?
ako ang example ko dito yung
pagmay problema sa bahay hindi mo maiwasan na madala yun hanggang sa school
yung tipong kasama mo yung mga barkada mo
tapos nagkakatuwaan sila syempre 
ikaw ba naman e.
makikitawa ka nalang din

minsan ba naisip mo na maglayas?! ako hindi pa! haha :)) yun lang.

kailan nga ba ako tumawa ng hindi ko mapigilan sa public at nagtinginan ang mga tao?
minsan ayaw mo ng maalala yung mga bagay na napahiya ka
pero pagnaalala mo!
natatawa ka at hindi mo mapigilan! haha :))
minsan e. excited ka pa ishare yun sa mga friends mo!

minsan ba naranasan mo na gumising ng nabigla?
ako OO
naalala ko nung nagising ako ng hapon tas nagsusuot ako ng uniform pamasok kasi
akala ko umaga na at papasok ka ko ng school
nung 3rd year ko nun.
minsan kung ano ano ang nasasabi mo pagnaalimpungatan ka
minsan nga nakakapanakit ka pa e
natulog ka na ba na nagsasalita?
0
naglalakad?
ako OO nung bata pa daw ako nun e. minsan nga daw nakakatulog ako habang kumakaen
nanaginip ako na nagsasalita daw ako sinisigaw ko "ayy langgam ang daming langgam"
nagulat sila kasi nakatulog na pala ako sa panunuod ng MOVIE dun sa sala namin kasama ang buong family

naranasan mo na ba na minsan kahit anong gawin mong antok e
hindi ka kumportable na matulog kasi mayron hindi ka pa nagagawa?
yun bang nakasanayan mo na gawin tuwing bago ka matulog?!
ako OO
hindi ako makakatulog hanggat hindi ako nagtutoothbrush at naghihilamos
pakiramdam ko sobrang dugyot kapag ganon?
haha :))

naranasan mo na ba ang mangalay?!
ako OO nangangalay na ko magtype ang dame ko pang gustong ishare kaso
umuulan ang lamig at gabi na
nananakit na ang mga balikat at batok ko e.

cge dito nalang muna!


No comments:

Post a Comment