vicious

vicious
vicioux

Saturday, June 11

Pagtawid




isa sa pinaka kalbaryo sa buhay ng tao ang pagtawid sa kalsada.
walang kasiguraduhan sa bawat minuto sa pagapak mo sa aspaltong daan
hindi mo alam kung may biglang disgrasya ang siyang hahapit
o
isa na namang ligtas na gabay mula sa langit.
marapat na ipagpasalamat sa diyos na tayo'y ligtas sa araw araw

sa pagpasok ko sa school (June 10 2011)
maraming times na ako tumatawid.
minsan parang sana'y na ko pero
akala ko lang pala yun.
takot parin pala ako kahit papaano.
lalo na sa pagumaga puro naglalakihang bus ang
tumatagibilid sayo.
sa hapon naman mga nagmamadaling jeepney na syang kala mo may karera ang tatambulad sayo.
hindi mo alam kung dapat ka na bang tumakbo , maglakad ng mabilis o magrelax pag dumadating na sila.
alam mo ba yung pakiramdam na muntik ka na mahagip!
nako! diyos ko po.
patawarin!
nakakakilabot at tila hindi ka makaget over sa experience na to.



isa sa pinaka hindi ko pa malilimutan kahapon noong JUNE 10 2011
pagsakay ko ng tricycle akala ko komportable na ko.
akala ko sakto na
akala ko okay na ang lahat
abay
TUMAAS NA PALA ANG PAMASAHE!
nagkataon namang naubos na ang pera ko sa kakakaen!
hindi man lamang nagabiso ang mga driver na to'
pinakitaan pa ako ng lists ng mga bayarin mula sa munisipyo!
TARIPA nga kung ikain.
ayun! nagpadala nalng ako saamin dahil akala ng driver e
tatakasan ko siya para sa 6 pesos..



BUHAY nga NAMAN

:)

No comments:

Post a Comment