vicious

vicious
vicioux

Thursday, June 23

i wanna make you say "TAMA!"



madameng bagay ang hindi mo maipaliwanag sa mundo
at tila hanggang ngayon isang malaking tanong padin sa marami
magulo ang buhay pero masarap mabuhay
natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka nandito?
ako ilang beses ko na naitanong yan
lalo na kung may mga frustrations at problems ako
alam mo ba yung maikumpara mo yung sarili mo sa isang taong
alam mo namang hindi ka mananalo
para kang nakipag Jack'n'Poy sa harap ng salamin.
wala parin ako nakikitang sagot sa tanong ko na yon
masasabi mong masasagot mo yan kasi may dahilan ka
minsan hanggang paliwanag at salita lang ang lahat
hindi ko pa nasasagot kasi wala pa kong nararating
wala pa akong naiiaambag sa pamilya ko
dahil wala pa akong sapat na kakayahan at kaalaman kung paano ang
buhay kung wala ang mga taong nasa paligid mo

minsan ba nalulungkot ka nalang bigla?!
nadarama mo to' minsan pag magisa ka lang tas nagsasoundtrip ka?!
nakakarelate ka sa kanta
ganyan din ako madalas
pagtapos ko magsoundtrip minsan naiisip ko yung mga pagkukulang sa mga nagdaang kahapon
minsan yung pagiging heartbroken ko
minsan nadarama mong hindi ka importante.

minsan ba nadama mo na magtanggi ng isang bagay?
na kahit gusto mong sabihing OO pero hindi magawa
kasi may pumipigil saiyo.
mahirap di ba?
lalo na pagtungkol yan sa love
ako nadama ko din yan pero hindi sa love
yung tipong mababaw lang pero hindi mo din maamin indenial ka padin ika nga
gaya ng uso dati EMO?!
nung first year ako pagnagpapatugtog ka ng mga emo songs
tnatawag ka na nilang EMO
pero hindi mo magawang umamin kasi
wala naman sa itsura at pananamit mo
wala sa style mo
baka matawag kapang poseur?! di ba?

minsan ba tinamad ka sa isang bagay kahit na gusto mong gawin yun?
ako? OO
lalo na pag exams
haha! :))
tinatamad ako magreview kasi may pinagkakaabalahan ako
facebook, cellphone, at kung ano ano pa
pero napipilitan kang tumigil para magreview
tapos paghawak mo na yung rereviewhin mo
natutulala ka nalang at pabalik balik ng basa dun sa page na yon!

minsan ba gusto mo magpaload pero wala namang nagtetext?
ganyan din ako nung bago ang cellphone ko syempre gusto mo maexplore yung mga features ng phone at excited ako!
ganyan din kaya tayo sa mga bagong gamit natin
gusto agad natin gamitin
EXCITED nga kung biruan ng mga barkada!

minsan ba nasasaktan ka pero hindi mo magawang umiiyak at pinipilit mong maging masaya?
maiisip mo kaagad tungkol sa love no?
ako ang example ko dito yung
pagmay problema sa bahay hindi mo maiwasan na madala yun hanggang sa school
yung tipong kasama mo yung mga barkada mo
tapos nagkakatuwaan sila syempre 
ikaw ba naman e.
makikitawa ka nalang din

minsan ba naisip mo na maglayas?! ako hindi pa! haha :)) yun lang.

kailan nga ba ako tumawa ng hindi ko mapigilan sa public at nagtinginan ang mga tao?
minsan ayaw mo ng maalala yung mga bagay na napahiya ka
pero pagnaalala mo!
natatawa ka at hindi mo mapigilan! haha :))
minsan e. excited ka pa ishare yun sa mga friends mo!

minsan ba naranasan mo na gumising ng nabigla?
ako OO
naalala ko nung nagising ako ng hapon tas nagsusuot ako ng uniform pamasok kasi
akala ko umaga na at papasok ka ko ng school
nung 3rd year ko nun.
minsan kung ano ano ang nasasabi mo pagnaalimpungatan ka
minsan nga nakakapanakit ka pa e
natulog ka na ba na nagsasalita?
0
naglalakad?
ako OO nung bata pa daw ako nun e. minsan nga daw nakakatulog ako habang kumakaen
nanaginip ako na nagsasalita daw ako sinisigaw ko "ayy langgam ang daming langgam"
nagulat sila kasi nakatulog na pala ako sa panunuod ng MOVIE dun sa sala namin kasama ang buong family

naranasan mo na ba na minsan kahit anong gawin mong antok e
hindi ka kumportable na matulog kasi mayron hindi ka pa nagagawa?
yun bang nakasanayan mo na gawin tuwing bago ka matulog?!
ako OO
hindi ako makakatulog hanggat hindi ako nagtutoothbrush at naghihilamos
pakiramdam ko sobrang dugyot kapag ganon?
haha :))

naranasan mo na ba ang mangalay?!
ako OO nangangalay na ko magtype ang dame ko pang gustong ishare kaso
umuulan ang lamig at gabi na
nananakit na ang mga balikat at batok ko e.

cge dito nalang muna!


Kung siya ang mahal


(lyrics)

Bakit ba kailangan pang
Damdamin ay ilihim mo sa akin na may iba
Kung di mo na ako mahal
Tatanggapin kung siya ang nasa puso
Pagbibigyan kita

Kung sya ang 'yong mahal
Aminin mo ng malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang 'yong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Di ko inaasahan na
Damdamin mo sa akin magbabago
May kulang ba?
Sadyang hindi pa ba sapat
Lahat pati na ang aking pag-ibig
Sayo ay binigay ko na

Kung sya ang 'yong mahal
Aminin mo ng malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang 'yong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Paano kaya lilimutin
Ang sa ating nagdaang kahapon
Alam ko naman kung minsa'y hindi nagtatagal
Ang isang pagmamahalan katulad ng pag-ibig mo

Kung sya ang mahal
Aminin mo ng malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa


Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa...


i really can relate to this song
it feels like all the things you ever wanted to say
interpret by this song. :))
sarah did a reallly good job to this one.


:D

why do i still feel alone even there's so many people that's around me.



alam mo ba yung pakiramdam na marami kang friends
pero wala kang isang tao na lagi mong kausap nakakapagopen ka
yung tinatawag na bestfriend ba kung ika nga?
bukod sa lovelife isa sa buhay ko ang kulang yun.
madame akong kaibigan kung madame
pero syempre iba yung bestfriend na lagi mong makapagoopenan ng mga bagay
na gusto mong ishare.
yung mga secrets tsaka
yung isang tawag mo lang nandyan na agad siya
yung taong kilalang kilala ka?
yung taong masasandalan mo
yung taong lahat lahat.
nagkaroon na ko dati ng mga bestfriend pero hindi din sila nagsstay
iniwan din nila ako
kaya barkada yungmga kasama ko lagi
hindi din naman sila lahat interesado sa kwento ko lagi e.
nalulungkot talaga ako kasi kapag magisa lang ako
gusto ko ng kausap
hindi ko alam kung kanino ako lalapit at kung sino nga ba ang interisado makinig sakin.
kailan kaya ako makakahanap ng taong ganon?
hanggang kailan kaya ako magaantay?!
gusto ko na magkaroon ng ganon?!
yung lagi mong kausap
katext
kasama
kakwentuhan
kabiruan
kasikretohan!

waaa!

excited na ko mahanap ka!

bukod sa lovelife
BESTFRIEND ang kulang sa buhay ko

:|



Monday, June 20

Happy Silver wedding anniversary to my parents.

















happy anniversary sa parents ko!
grabe nagenjoy ako kumain at magpakabusog.
love ko kayong dalawa!
sorry for all the things ive done that hurts both of you!
we're always here
love you both.

Sunday, June 19

Baptismal of Marille





















Binyagan ni Batuteng today!
masaya.
hindi lang ako ngayon inaanak ninong nadin ako.
mga kumpadre at kumadre.haha!
dati parang ako lang ang naghahanap ng mga ninong ko e.
Godbless sa new angel ng family namin!
I LOVE YOU INAANAK. :))
welcome to roman catholic organization.

-ninong jyem.

Saturday, June 18

Love at first sight. (heartless)



"single"
syempre naghahanap ka ng taong magpapasaya saiyo.
kahit na hindi mo siya makasama
alam mo yung feeling na
masaya ka na pagnakikita mo siya
hindi ko mapigilan ngumiti pag nakikita ko siya.
sa paglipas ng araw
sa pagsapit ng bagong linggo
marami ang nangyari sa crush nato'
aba
mantakin mong hindi ko napansin na
marami na palang lalaki ang umaaligid sa kanya
mga nagpapakilala
mga kumakausap
mga pumoporma
mga nagkakagusto
sabagay
sa ganda niya sino nga bang hindi mapapatingin?
sana akin ka na lang.
sana kaya kong makipagsabayan sa kanila na makapagpakilala saiyo
ang hirap pala pagganito
hindi mo masabi
kasi ayaw mo pa
yung tipong hindi ka pa handa
pero nagseselos ka

sino nga ba ako para magreact ng ganito?
ni pangalan ko nga ata e hindi niya alam.

magulo.
pero sana akin ka nalng.




Wednesday, June 15

@ SM Muntinlupa :))



























ayun. dahil wala akong pasok
sumama ako sa grocery nila mama at ate.
at duon nabili ko yung mga gusto ko
mahirap ang araw na to may mga problemang hindi na dapat pa banggitin
well
BTW
tagabuhat (lagi naman e. pero syempre kelangan yon! ano ako sinuswerte?? haha)
nagenjoy ako kakabalik balik sa free taste! haha
at
nakakapagod ang maglakad paikot ikot.
grabe nahirapan din ako magdownload at ayusin ang PC Suite ng Phone ko! :))
peo medyo ok n naman na! :P